EDITORyAL
Pagkapilipino di sinasapuso
The SPJ Chronicle | December 13, 2018
Ang Commission on Higher Education (CHED) ay nais na ipatupad ang 2013 memorandum na naglalayong tanggalin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Ang lenguwahe ng isang bansa ay nagbibigay ng importansya sa katauhan at sa pagkaka-isa ng mga taong iba't-iba ang diyalekto, at ito ay ang mga Pilipino dahil may 7,100 na isla sa Pilipinas at 170 na diyalekto ang ginagamit.
​
Habang ang mga Filipino naman bilang asignatura ay tinuturo sa primarya at sekondarya at kapag ito ay hindi nagpatuloy hanggang sa kolehiyo, maaari itong makalimutan ng mga taong hindi pamilyar o kaya hindi laging ginagamit ang ating pambansang wika.
​
Tayong mga Pilipino ay nakatali sa wikang Ingles, at hindi sa mismo sa ating pambansang wika. Kung iisipin, napakalabo ng ating pagkakakilanlan dahil tayo ay nasakop ng iba't-ibang mga bansa. At ito ay ang Espanya, Hapon, at Amerikano. Kung tatanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo, maraming mga kabataan ang makakalimot kung paano ito gamitin ng tama.
​
Sabi nga ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, "kabataan ang pag-asa ng bayan". Pano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo hindi nila alam kung paano gamitin ng maayos ang ating pambansang wika? Ano sa tingin mo ang mangyayari kapag ang asignaturang Filipino at ang Panitikan ang matatanggal sa kolehiyo? Maraming mga Pilipino, kabataan lalo na ang mga susunod pang henerasyon ang makakalimot sa ating pambansang wika.
EDITORYAL
December 13, 2018
Panitikan or Philippine Literature is the face of our identity. With younger Filipinos spending less and lesser time on reading and studying them, see more...
COLUMN
Column Name
By: Jan Lester G. Sabado